Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba.Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
MIYEMBRO |
Design by SimpleWpThemes
Blogger Theme by Lasantha - PremiumBloggerTemplates.com | Distributed By Gooyaabi Templates
Blogger Theme by Lasantha - PremiumBloggerTemplates.com | Distributed By Gooyaabi Templates
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento