Na
tanging sa pisngi ng langit nanggaling,
Ang
inihahatid
Sa
bukas na dibdib
Ng
sangkalupaang dagi sa hilahil
At
sala sa lalong tapat na dalangin. . .
Sa likod ng bundok ay namamanaag
Ang
kaakit-akit na isang liwanag;
Ang
ibinabadha
Ay
malaking tuwa
Na
di mag siyang malalasap
Ng
lahat ng taong may mabuting hangad.
At ang ating puso ay muling hahagkan
Ng
madlang ligayang di mapapantayan—
Ang
diwa ng Pasko
Ang
pista ng mundo—
Ang
araw na siyang sa ati’y nagbigay
Ng
buhay sa puspos ng madlang kariktan.
Tungkol sa may akda:
Mga Katanungan:
1. Ano ang nais ipabatid
ng tulang "Pasko na " sa iyo?
2. Paano mo mabibigyan
ng sariling interpretasyon sa buhay mo and tulang Ito?
3. Akma ba sayo ang
tulang Ito? Ipaliwanag.
4. May koneksyon ba ang
tulang ito sa pamagat? Ipaliwanag.
5. Ano ang mensaheng
nais ipabatid ng huling taludtod ng tulang Ito? Ipaliwanag.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento