Si Benigno Zamora ay dating puno ng seksiyon sa Pilipino ng Kagawaran ng mga Paaralang Lungsod. Dating kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa. Nakapagpalimbag ng kanyang unang kuwento sa gulang na labingwalo. Nagsulat ng mga dula, sarsuela, sanaysay, at mga tulang liriko tungkol sa mga paksang palasak man ay lagi nang may halina (pag-ibig, pananalig, at kasabikan sa tahanan). Itong huli ay matatagpuan sa kanyang “Ang Aking Tahanan,” na isinulat nang siya’y nag-espiya laban sa mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
MIYEMBRO |
Design by SimpleWpThemes
Blogger Theme by Lasantha - PremiumBloggerTemplates.com | Distributed By Gooyaabi Templates
Blogger Theme by Lasantha - PremiumBloggerTemplates.com | Distributed By Gooyaabi Templates
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento