parang nakakuwadro sa bentanilya ng kumidor,
inis
sa inaaninaw ang di makilalang alas sais—
areglado nang umandar.
Hinaharap ang lahat na dapat magsipanik na ng
bahay:
mga lasenggo’t sugarol, imbi’t tampalasan,
mga tarantado
silang wala nang inatupag kundi maglandian sa
lansangan.
Pati na yata ang araw na di pa kursunadang
pagbigyan
ang nagririnyegong karimlan.
Walang awat silang kinakatkatan ng Lola
gayung-kasi’y may pagkauliyanin na —
hindi na matandaan kung sinu-sino sila.
Hindi na matandaan ang puno’t dulo ng
paghihimagsik
na parang atakeng nandiyan na lang tuwing
alas sais.
Orasyon — biro namin — panatang walang
hanggan
nang di raw mapariwara ang kaluluwa ng
lansangan.
At ayaw gambalain ang mga litanya,
tahimik ang Ate sa pamamalantsa.
Nagdidilim ang mukha. Maaga pa naman daw,
ayaw pang gaasan ang ilaw.
At ang Nanay, napisikan yata ng mantika,
marahang tinatangisan ang pinipritong
hasa-hasa.
At si Bulilit, pagkahatid ng tatal sa kusina,
nakangising naupo sa sala,
minataan ang abuwela.
Siguro’y alas sais medya na.
Kahit tapos na ang mga seremonya,
nakadambana pa rin ang da-matan sa
bentanilya.
Nahapo rin pala:
napikit ang mga mata, nalaglag ang panga,
ika nga’y bumunot sa dibdib ng buntong
hininga —
parang humanda namang atupagin
ang di masansalang pagdidilim.
Tungkol sa may akda:
Mga katanungan:
1. Ano ang nais ipabatid ng tulang "Ang
Lola" sa iyo?
2. Paano mo mabibigyan ng sariling interpretasyon
sa buhay mo and tulang Ito?
3. Akma ba sayo ang tulang Ito? Ipaliwanag.
4. May koneksyon ba ang tulang ito sa
pamagat? Ipaliwanag.
5. Ano ang mensaheng nais ipabatid sa iyo
ng tulang Ito? Ipaliwanag.
what does the poem exactly depict? the composition is amazing.
TumugonBurahin