Mga Halimbawa ng tula|Maikling Kwento|Nobela

Imahe

MIYEMBRO

AKO ay naghanda ng puting tarheta,
sa gitna’y may pusong mapulang-mapula;
ito’y kasimputi ng aking panata,
ito’y kasindugo ng aking pagsinta.

MAY lunti pang lasong dito’y nakakabit,
kulay ng pag-asa’t aking pananalig;
ang laman ng diwa’t kumakabang dibdib
ay nakalimbag ding mga gintong titik.


AKING isinulat ang iyong pangalang
singyumi’t sintamis ng iyong kariktan;
nilagdaan ko rin ng aking palayaw
na nasa bigkas mo kung may kabuluhan.

PARANG puso ko rin — huwag kang mamangha —
ito’y hindi biro, ito’y hindi daya;
ang inaasam ko ay puso ring sutla,
sa pag-asang yao’y puso mong dakila.

Sa araw ng puso — nasa kalendaryo —
pusong pulang sutla ay para sa iyo;
alin pa ang langit kapag nanagano
sa rosas mong labi’t dibdib na mabango.

Sa masayang araw at hanging maaya,
ang sinugong puso’y sasaiyong ganda;
ito’y magsasabing sa tuwa at dusa,
ang “Valentine” ko’y ikaw — walang iba!


Tungkol sa may akda:
Mga Katanungan:
1. Ano ang nais ipabatid ng tulang "Ang "Valentine" ko sa iyo?
2. Paano mo mabibigyan ng sariling interpretasyon sa buhay mo and tulang Ito?
3. Akma ba sayo ang tulang Ito? Ipaliwanag.
4. May koneksyon ba ang tulang ito sa pamagat? Ipaliwanag.
5. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng ikalawang  taludtod ng tulang Ito? Ipaliwanag.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento