Mga Halimbawa ng tula|Maikling Kwento|Nobela

Imahe

MIYEMBRO
Sinipat na mabuti ni Mang Miroy, ang kilalang platero sa Cervantes (ngayo’y Avenida Rizal), ang brilyante na nasa kaliwang palad niyang nakalahad. Maliit lamang iyon nang bahagya sa karaniwang butil ng mais. Ang sinag ng araw na galing sa durungawang bukas ay tumama sa batong sinusuri niya. Kumislap ito sa tudla ng sinag at sumilaw sa mata niyang nakasipat. Nasinag niya ang maliit na lagablab wari ng apoy sa pinakapusod niyon. Napansin din niya ang makinis na tapyas nito sa mga gilid saka ang iba't-ibang kulay na anaki’y likas na himala ng isang brilyanteng may mataas na kilatis at karapat-dapat na maging tampok ng sinsing man ng isang anak-hari. Sa katunayan, ang batong ito’y iniukol na maging tampok ng isang sinsing na pangkasal.

 “Malaki ang halaga ng batong ito!” nasabi sa sarili ni Mang Miroy. “Hindi bababa ito sa isang libong piso.”

 “Pagbutihin sana ninyo ang engaste,” pakiusap ng dalagang nasa likuran ni Mang Miroy. “Mayari kaya ninyo iyan sa Huwebes ng papasok na linggo?”

 “Si Nydia naman!” sabi ng platero. “Para kang si Donya Pepang, ang mama mo, kung magpagawa. Lagi nang nagmamadali. Mahuhuli yata sa biyahe.”

 “Nguni’t, Mang Miroy, iba ito,” anang dalaga na biglang pinamulahan ng mukha, pangyayaring lalo pang nagparilag sa katutubo niyang kagandahan. “Alam na naman ninyong gagamitin iyan sa aking kasal sa darating na araw ng Linggo. Saka nabanggit ninyo ang biyahe, at kung itutulot ng Diyos, baka kami ng aking nobyo’y makarating pa sa Paris, Roma, Helsinki at Bruselas.”

“Ako na ang bahala, iha,” sabi ni Mang Miroy. “Idalangin natin na huwag sana akong magkasakit.”

“Kapag nayari po iyan sa panahon, Mang Miroy,” wika ng dalaga, “ang gantimpala ninyo’y magiging kasiya-siya. Maaaring doble! Iyan ang sabi ng aking nobyo, matapos na maibalita ko sa kanya ang inyong turing sa paggawa ng sinsing na iyan.”

“Batang ire!” napapalatak na pakli ni Mang Miroy. “Sa isang kaakit-akit na gaya mo na haharap na sa dambana, dapat na maging kaakit-akit din ang sinsing na yayariin ko. Ngayon pa lamang ay para ko nang nakikita na matapos na maisuot sa palasinsingan mo ang sinsing, ay hahagkan ka niya, hindi lamang minsan, kundi makalawa o makatatlo pa.

 ”Baka mggselos ang aking nobyo, Mang Miroy, mabuti at hindi ko siya nakasama rito.”

 “Ngayon, wala nang biruan, sabi ng platero, sa Sabado nang hapon ka magbalik. Bigyan mo ako nang sapat na panahon na magawa ko ang sinsing! Kahimanawari, ineng.”

 “Hanggang sa Sabado po ng hapon,” pawakas na sabi ng dalaga, sabay tindig. “Isasama ko po ang aking nobyo upang makilala naman ninyo.”

 “Nasa iyo nang pagpapasiya iyan, anak.”

 “Paalam na sa inyo,” ani ni Nydia at lumabas na ng plateriya, tuloy sakay sa kanyang kulay gumamelang kotse.

 “Sa Sabado nang hapon!,” nasabi sa sarili ni Mang Miroy. “Akala ng maraming nagpapagawa ay madali lamang ang pagyari ng hiyas. Hindi man lamang sumasagi sa kanilang isip na maaaring makasira sa paggawa ang isang platero. Kung ito’y mangyayari, sadyang kahabag-habag ang gaya ko, na sapilitang uutang nang patubuan makabayad lamang sa kapinsalaan. Isipin na lamang kung mabasag ang brilyante sa pagtatampok.”

Matapos uminom ng kape, nagtungo si Mang Miroy sa panig ng plateriya na kinaroroonan ng mga butbutin niya. Inihanda ang ilang kailangang kasangkapan, bago nagparingas ng apoy.

Natimbang na niya ang puting ginto. Sa pamamagitan ng isang tiyaning tanso na may dalawang dangkal ang laki ay idinarang sa apoy saka itinubog sa asido. Pagkatapos ay buong ingat na pinukpok ng isang maliit na martilyo ang lumamig nang bahagi ng ginto, na siyang inihahanda niyang maging braso. Binilog niya ito, at sinimulan namang ihanda ang panapo sa tuktok ng kabilugan upang mapalapat nang walang panganib sa pagkahulog ang brilyante. Nahirapan siya sa bahaging ito ng paggawa. Matagal siyang nagtrabaho sa sinsing, paulit-ulit – pagdadarang sa apoy, pagtubog sa asido, pagpukpok nang maingat, paghugis at iba pa. Datapuwa’t sa sukat ng palasinsingan ni Nydia at sa pagkakahanda ng pinaka-sapo, mandi’y hindi nagtatama nang tapat ang bahaging iyon ng ginto at ng brilyante.

“Madalian pa naman ang trabahong ito!” bulong sa sarili ni Mang Miroy na ibig nang mayamot. Sa di kawasa’y napailing siya. Kailan man ay di nanginig ang mga daliri niya kundi noon lamang! Kailan man ay hindi siya nangamba sa gawain sa pagyari ng hiyas kundi sa pagkakataong iyon lamang! Ano kaya ang nangyayari sa kanya? Waring masisira ang kadalubhasaan niyang “namana” sa ama niya at sa lolong naglipat sa kanila ng kadalubhasaan sa pagyari ng hiyas. Sayang ang kabantugan ng platerya na kilala sa mataas at mababa mang lipunan ng Maynila at sa mga karatig na bayan.

Walang anu-ano'y umabot sa pandinig niya ang isang tinig­tinig na  para niyang nakikilala . Tinig ng kanyang ama! At narinig niya ang ganitong mga pangungusap na nauulit na naman, makalipas       ang   marami nang taon:

“Miroy, ang pagyari ng alahas, gaya ng makailan kong nasabi na sa iyo, noong ikaw’y tinuturuan ko pa sa gawaing iyan, ay isang sining.   Hindi sapat ang kaalaman at karanasan sa pagyari. Kailangan ang mai­ ngat, mapagmalasakit at matatag na galaw ng mga daliri. Gayon din, kailangan kang maging mahinahon at magkaroon ng  pag-ibig sa kaselanan ng iyong gawain.       Kailangan mong ibuhos ang iyong kaluluwa sa pagyari ng isang hiyas na gaya ng ginagawa mo. Hindi ka eskultor, pintor o musiko, subali't alagad ka ng sining, na katulad ng isang makata, ay isang tunay na manlilikha . Sa ibabaw ng lahat, huwag kang maghangad at huwag kang magdaraya. Huwag babawasan ng kahi't isang gramo ang ginto. Huwag mong papalitan ng ibang kahambing ang brilyanteng ipinagkatiwala sa iyo. Miroy, magpatuloy ka na!”

Parang nagbago ang pakiramdam ni Miroy. Tila sumiglang bigla ang kanyang katawan. Nawala ang pagod niya't pagkayamot. Humalili'y ang pagtitiwala sa sarili. Minasdan niya ulit ang lagablab ng apoy. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.              '

Samantalang inilalapat niya ang brilyante sa sapo ng kabilugan ng ginto, waring biglang nasinag niya sa bato ang isang pangitain na bagaman maliit ay maliwanag naman sa kanyang paningin. Sa harap  ng  dambana. . .  sa simbahan . . . siya at si Idad. Noo'y ikinakasal sila. Isinusuot niya sa daliring palasinsingan ni Idad ang sinsing na pangkasal na niyari ng kanyang ama, na tinulungan niya noon. Mababa lamang ang kilatis ng bato subali't sa palagay niya, nang maitampok na iyon sa engasteng puting ginto rin, hindi niya   maaaring ipagpalit pa sa ano mang mahalagang hiyas sa daigdig ang    sinsing na iyon. Wala s_a halaga kundi nasa kayarian na naaayon sa   sining at sa kahulugan: ang sangla ng pag-ibig at sagisag ng pag-iisa   ng dalawang pusong “masasalo sa ligaya't maghahati sa hilahil”.

Nagunita niya tuloy ang  dahilan kung bakit masidhi ang pagnanais ng  nagpagawa sa kanya, si Nydia, na mayari agad ang  sinsing na pangkasal. Pag­iisang-_dibdib! Buhat sa pagiging dalaga, tungo sa kalagayan ng isang may-asawa. Maititindig na, pagkatapos, ang isang  tahanan. Magiging ama't ina ng tahanan ang nag-isang-puso. Magkakaroon sila ng mga supling-mga kapilas ng buhay. At ang katuturan ng sinsing na iyon ay magiging ganap.

Nailagay niya nang lapat ang brilyante sa tampok ng sinsing .     Natimbang sa braso ang batong maningning. Naging ganap ang kayarian ng hiyas ­- isang tunay na likha ng sining!

Nagwakas na rin ang maselang na Gawain niya. Wala nang nalalabi kundi ang pakinisin na lamang ang hiyas. Kung susukatin ang itinagal ng trabaho ay aabot sa limang araw. Hindi siya masisira sa pangako kahi't na idagdag pa ang isang araw ng pagsusuri -- ang  finishing touches, kung baga sa isang larawang guhit ng pintor. Habang nililinis niya ang braso ng sinsing ay iihip-ihip na siya sa maningning na bato. Sa malas niya’y lalong dumilag ito sa pagkakatampok. Natugon   ang hinihingi ng disenyo. Nang matiyak niyang malinis na, kinuha ang timbangan at tinimbang ang bigat ng hiyas.

“Dalawang libong piso man ay maaari itong bayaran!” pagmamalaki niya sa sarili.

Sumilid na bigla sa isip niya si Idad na may ilang sandali lamang ang nakalilipas ay inanyayahan pa siyang magminindal. Ibig niyang mahangaan ni Idad ang kanyang “obra maestra”. Tinungo niya ito.

“Subukin mo ngang isuot ang sinsing na ito,” sabi niya kay Idad.

“Nahulaan kong magiging sukatan mo na naman ang aking palasinsingan!” Iniabot ni Idad ang kamay sa kabiyak.

“Saan naroon ang sinsing  mo?” patakang usisa ni Mang Miroy sa asawa nang mapunang wala sa daliri nito ang kanyang “sangla ng pag-ibig”.

“Narito sa bulsa ng aking bestido,” ani Idad.

“Itinago ko, sapagka't kailangan akong maglinis ng paminggalan.”

Sa hindi na makinis na daliri ni Idad, nang maisuot ang sensing na pasadya, parang nagitla si Mang Miroy, waring nakita niya ang daliring hubog-kandila ni Nydia.

“Idad,” sabi niyang nagtataka. “Hindi pa pala nagbabago ang iyong palasinsingan sa kabila ng iyong mahihirap na gawain sa bahay.

“Mapagbiro ka, Miroy,” matimyas na tugon ng maybahay ng platero.

“Marikit lamang ang sinsing. Sa pagkakatampok ng brilyante na timbang na timbang sa kabilugan ng braso, ang ganda ng hiyas ang iyong nakikita. Ang mga daliri ko'y pinapangit na ng panahon.”

“Idad, ikaw naman,” masuyong sambit ni Mang Miroy, “ano man ang isipin mo o ipalagay, ang naipahayag ko'y siyang katotohanan sapagka’t iyan ang aking nakikita.”

Ikaapat pa lamang ng hapon, araw ng Sabado, ay dumating na si Nydia sa plateriya ni Mang Miroy. Bagaman nagmamadali ay ibang-iba ang kilos at anyo kaysa dati. Matamlay ang katawan at namu­ mula ang mga mata.

“Mang Miroy,” ani Nydia sa nangangapos na tining, “hindi na po matutuloy and kasal!” sabay iyak.

“Bakit, anak? Usisa ni Mang Miroy sa malagim na balita, “ano ang nangyari? Ipagtapat mo sa akin. Ako naman ay katapatan ng iyong pamilya.”

“May asawa po ang magdaraya na inibig ko't pinangakuang mamahalin habang buhay!”

Napasuntok sa katabing mesa si Mang Miroy.

“Dinaramdam ko ang pangyayari,” malumanay na saad niya. “Nguni't   narito na ang sinsing.” At iniabot kay Nydia ang isang maliit na estutse.

Binuksan ni Nydia ang estutse.

“Kay ganda, Mang Miroy!” Bahagyang nangiti ang dalaga.

“Sayang! Napakarikit ng sinsing na ito, nguni't tanso pala lamang ang katapat. Natanso ako ng walang-hiya!”

“Huminahon ka, ineng,” payo ni Mang Miroy. “Maitatago mo iyan at magiging buluhan pa rln sa iyong buhay . Magiging tagapagpagunita sa iyo. Bata ka pa, mahaba pa ang landas  na  malalakad mo.”

Muling napangiti si Nydia nang marinig ang payo ni Mang Miroy. Dinukot ang sisidlan ng salapi, na nasa loob ng handbag, at iniabot ang isandaang piso sa   platero.

“Nydia, labis ito sa aking turing. Sabi ko noon ay limampung piso ang nararapat na ibayad mo sa akin.”

“Ngunl't ipinangako sa inyo ng aking magdarayang nobyo na pag-iibayuhin ang kabayaran sa inyong pagod kung mayayarl ang sinsing sa panahon. Ipinasabi niya iyan sa inyo sa pamamagitan ko, hindi po ba?”

“Tunay, Nydia,” patotoo ni Mang Miroy, “datapwa't ang kahigtan ng limampung piso ay... tanso na rin ang katimbang. Hindi ko matatanggap iyan!”

“Mang Miroy, salamat sa inyo!” anang dalagang nalugod na sa sinabi ng platero. “Ang inyong pagdamay sa akin, sa paraang iyan ng inyong paninindigan, ay  hindi ko malilimot kailan man.”

Ngumiti si Mang Miroy. Ilang sandali pa’y tumindig na si Nydia, saka nagpaalam.

“Ipinangangako ko sa inyo na itatago ko nang mahigpit ang hiyas na ito. Mamahalin ko, higit pa sa aking buhay!”

Parang   nagamot ang malubhang sugat ng puso ng dalaga sa mataas na lipunan ng Maynila. Mabilis na pinatakbo ang lrotse. Walang natanaw si Mang  Miroy buhat sa plateriya kundi ang puting panyolitong ikinaway ng dalaga.

Tungkol sa may akda:

Mga katanungan:
1. Sino ang pangunahing tauhan ng kwento?Ilarawan.
 2. Paano nagsimula ang kwento? Ilahad Ito mula 2-3 pangungusap. 
3.Anoang naging suliranin ng pangunahing tauhan sa kwento? Ipaliwanag. 
4. Paanonasolusyunan ni Mang Miroy ang kanyang mga problema? Ipaliwanag. 
5. Akma ba angpamagat na "Hiyas" sa kwento.? Ipaliwanag Ito.



0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento