Kasangguning
lihim ng nais tandaan,
bawat
dahon niya ay kinalalagyan
ng
isang gunitang pagkamahal-mahal
Kaluping
maliit sa tapat ng puso
ang
bawat talata’y puno ng pagsuyo,
ang
takip ay bughaw, dito nakatago
ang
lihim ng aking ligaya’t siphayo.
Nang
buwan ng Mayo kami nagkilala
at
tila Mayo rin nang magkalayo na;
sa
kaluping ito nababasa-basa
ang
lahat ng aking mga alaala.
Nakatala
rito ang buwan at araw
ng
aking ligaya at kapighatian…
isang
dapithapo’y nagugunam-gunam
sa
mga mata ko ang luha’y umapaw…
Anupa’t
kung ako’y tila nalulungkot
binabasa-basa
ang nagdaang lugod;
ang
alaala ko’y dito nagagamot,
sa
munting kaluping puno ng himutok.
Matandang
kalupi ng aking sinapit
dala
mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis;
kung
binubuksan ka’y parang lumalapit
ang
lahat ng aking nabigong pag-ibig.
Sa
dilaw mong dahong ngayon ay kupas na
ang
lumang pagsuyo’y naaalaala,
O,
kaluping bughaw, kung kita’y mabasa
masayang
malungkot na hinahagkan ka…
May
ilang bulaklak at dahong natuyo
na
sa iyo’y lihim na nangakatago,
tuwi
kong mamasdan, luha’y tumutulo
tuwi
kong hahagkan, puso’y nagdurugo.
Tungkol sa may akda:
Mga Katanungan:
1. Ano ang nais ipabatid ng tulang "Kalupi ng puso" sa iyo?
2. Paano mo mabibigyan ng sariling
interpretasyon sa buhay mo and tulang Ito?
3. Akma ba sayo ang tulang Ito? Ipaliwanag.
4. May koneksyon ba ang tulang ito sa
pamagat? Ipaliwanag.
5. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng
huling taludtod ng tulang Ito?
Ipaliwanag.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento