Mga Halimbawa ng tula|Maikling Kwento|Nobela

Imahe

MIYEMBRO
Si Teodoro Gener ay kasama sa pangkat ng mga makatang makaluma o konserbatibo tulad nina Deogracias Rosario at Jose Corazon de Jesus sa Samahang Ilaw at Panitik. Isa siyang makata, nobelista mananagalog. Siya ang nagsalin sa Tagalog ng nobelang Kastila na Don Quijote dela Mancha. Ito ang itinuring niyang Obra Maestra. Tinagalog din niya ang sinuring Kodigo Penal.
Ang pagkakasalin niya sa Tagalog ng Don Quijote ang nagbigay sa kanya ng higit na karangalan sapagkat pinag-kalooban siya ng gantimpala ng Companya Tabacalera.
Kabilang sa mga tulang naisulat niya ay Ang Guro, Ang Masamang Damo, Ang Buhay, at Ang Pag-ibig. Akda niya ang isang aklat na ginagamit sa panulaang Tagalog na ang pamagat ay Ang Sining ng Tula na lumabas noong 1958.
Ang katipunan ng kanyang mga tula ay pinamagatang Salamisim. Tradisyunal siyang manunulat ng tula, tagasunod siya ni Balagtas sa pagtula subalit sa pagbabago ng panahon, nagbago rin ang anyo ng kanyang tula - sinubukan niya ang malayang taludturan.

3 komento:

  1. Maganda ang mga nagawa niya kapupulutan ng maraning aral.

    TumugonBurahin
  2. Pwede po bang makahingi ng Biography ni Teodoro E. Gener

    TumugonBurahin
  3. Hi admin, the photo above is not Teodoro Gener. He's our great uncle.

    TumugonBurahin