Si Amado Vera Hernández (Setyembre 13, 1903—Marso 24, 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. Ipinanganak siya sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng Sining si Hernandez para sa Panitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin. Noong 1973, tatlong taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si “Ka Amado” ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Bagama’t matagal-tagal na rin mula nang pumanaw ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mga rali sa lansangan ang kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo na ang mga salita ng tulang "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan."
MIYEMBRO |
Design by SimpleWpThemes
Blogger Theme by Lasantha - PremiumBloggerTemplates.com | Distributed By Gooyaabi Templates
Blogger Theme by Lasantha - PremiumBloggerTemplates.com | Distributed By Gooyaabi Templates
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento