Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao.
Uri nito:
1. MORALISTIKO
sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda
2. SOSYOLOHIKAL.
mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan
3. SIKOLOHIKAL
makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
4. FORMALISMO
Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
5. IMAHISMO
Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa
6. HUMANISMO
Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay
7. MARXISMO
Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas at mahina mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi
8. ARKETIPO / ARKITAYPAL
gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda
9. FEMINISMO
maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan Lualhati Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo
10. EKSISTENSYALISMO
Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan
11. KLASISISMO
Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay katotohanan, kabutihan at kagandahan Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan
12. ROMANTISISMO
Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas Pagtakas mula sa realidad o katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan
at kaisipan
13. REALISMO
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno